16 QC cops inireklamo ng EJK sa PNP-IAS
MANILA, Philippines — Labing-anim na miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) ang inireklamo kahapon ng pagkakasangkot sa Extra Judicial Killings (EJK) sa apat na kalalakihan na nangyari noong Agosto sa Payatas, Quezon City sa tanggapan ng PNP-Internal Affairs Service sa Camp Crame.
Kahapon dumulog sina Katrina Polo, Marlyn Bordeos at Mariza Hamoy upang pormal na ipagharap ng reklamo sa tanggapan ni PNP-IAS Inspector General Alfegar Triambulo ang 16 miyembro ng QCPD Station 6.
Ang 16 pulis ay nahaharap sa kasong administratibo kaugnay ng umano’y pagkakapatay sa mga biktimang sina Cherwen Polo, Darwin Hamoy, William Bordeos at isang alyas Rambo. Ang mga biktima ay sinasabing napatay sa tokhang operation ng QCPD.
Sa tala ang apat ay napatay sa buy-bust operation sa bahay ni Polo noong Agosto 14, 2016, bagay na mariin namang itinanggi ng pamilya ng mga biktima at umano’y biktima ng EJK ang kanilang mga kapamilya.
Una nang sinabi ng Ombudsman na sangkot sa paglabag sa karapatang pantao ang nasabing mga pulis sa isinagawa ng mga itong imbestigasyon nitong Marso.
“Respondent police officers failed to respect and protect the dignity and maintain and uphold the human rights of the victims. Thus, they are liable for human rights violations,” base sa resolusyon ng CHR.
“We thus demand a full, in-depth, honest and truthful investigation by
the IAS of this multiple killing,” ayon pa sa mga nagrereklamong pamilya ng mga nasawing biktima.
- Latest