^

Bansa

Probe vs SSS officials umusad na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang resolusyon na ang inihain sa Kamara para imbestigahan ang umano’y iregularidad na kinasasangkutan ng apat na opisyal ng Social Security System (SSS).

Unang inihain kahapon ang House Bill 1433 na iniakda ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone at ang House Bill 1434 ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate.

Nakasaad sa resolus­yon ni Evardone, ang House Committee on Banks and Financial Intermediaries ang mag-iimbestiga sa stock trading ng apat na opisyal ng  SSS habang ang House Committee on Good Go­vernment and Public Accountability naman ang pinagsisiyasat ni Zarate.

Malinaw umano na nagkaroon ng “conflict of interest” sa panig ng apat na opisyal ng SSS na sina Rizaldy Capulong, Reginald Candelaria, Ernesto Francsico Jr. at George Ongkeko. Ito ay nang gamitin umano nila ang stock brokers ng SSS para makakuha ng impormasyon para sa trading ng sarili nilang stocks.

Giit ni Evardone, may pananagutan sa batas ang mga opisyal na ito dahil sinamantala ang kanilang posisyon para sa pansariling interes habang nawalan ng oportu­nidad ang SSS na kumita.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with