^

PSN Palaro

UST, NU dale ang bonus sa UAAP Jr. volley

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilampaso ng University of Santo Tomas ang University of the Philippines Integrated School, 25-20, 25-10, 25-7  upang manatiling malinis ang kanilang rekord sa girls division ng UAAP Season 80 high school volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Sumulong sa 10-0 re­kord ang Junior Tigresses para makamit ang twice-to-beat incentive sa Final Four.

Dalawang panalo na lamang ang kinakailangan ng UST para awtomatikong umabante sa best-of-three finals.

Pinataob naman ng nagdedepensang  National University ang Adamson University, 25-14, 25-15, 25-18 para masikwat ang ikalawang twice-to-beat sa semis.

Umangat ang Bullpups sa 8-1 kartada habang lumasap ng ikawalong kabiguan ang Baby Falcons sa 11 laro para tuluyang masibak sa kontensiyon.

Sa boys’ class, nanaig ang reigning' titlist NU sa Adamson, 25-5, 25-15, 25-4 habang namayani ang Far Eastern University-Diliman sa Ateneo, 28-26, 25-13, 25-22.

Ang panalo ang nagdala sa NU at FEU-Diliman sa sosyong liderato hawak ang parehong 9-2 kartada.

Sa iba pang resulta, wagi ang UST sa UPIS, 25-13, 25-17, 25-14 habang nanaig ang University of the East sa De La Salle-Zobel, 25-19, 25-17, 25-18.

Nakatali ang Junior Tiger Spikers at Junior Warriors sa No. 3 spot hawak ang magkatulad na 8-3 para mas maging kapana-panabik ang bakbakan para sa dalawang twice-to-beat slots sa Final Four.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with