Holdaper ng bus, muling umatake
MANILA, Philippines — Isang pampasaherong bus ang hinoldap ng tatlong kila-bot na holdaper, kahapon sa Pasay City. Inilarawan ang mga suspect na nasa 5’2” ang taas, dark complexion, medium built, nakasuot ng t-shirts at short pants.
Naganap ang insidente alas-12:45 ng madaling araw sa isang pampasaherong bus sa Admiral Transport Inc.
Ayon sa isang biktima pauwi siya galing ng trabaho, lulan ng bus at binabagtas nila ang kahabaan ng EDSA patungong Baclaran at pagsapit sa footbridge ng Malibay, Pasay City ay biglang nagdeklara ng holdap ang tatlong suspect na nagpanggap munang mga pasahero.
Tinutukan ng baril at patalim ang mga pasahero at kinuha ang mga bag at ilang gamit ng mga biktima bago mabilis na tumakas ang mga suspect.
- Latest