Basurang nahakot sa mga sementeryo, nabawasan-MMDA
MANILA, Philippines — Dahil bumaba ang bilang ng mga taong nagtungo sa mga sementeryo, nabawasan din ang bilang ng mga basurang nahakot ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kumpara noong nakaraang taon nang magsimula silang magsagawa ng cleaning operation kahapon.
Ayon kay MMDA operation supervisor Bong Nebrija, tinatayang umabot lamang sa limang toneladang basura ang kanilang nahakot.
Mas mababa aniya ito, kumpara noong nakaraang taon na nasa 27 tonelada ang kanilang nahakot na mga basura sa ibat-ibang sementeryo sa Metro Manila.
Sa tala ng MMDA, naba- tid na ang nahakot na mga basura sa Manila North Ce-metery ay umabot sa 4.56 cu.m.=1.29 tons; sa Manila South cemetery ay 0.72 cu.m.= 0.20 tons; San Juan public cemetery 5.92 cu.m.= 1.68 tons; Bagbag Cementery 3.68 cu.m.= 1.04 tons; Loyola 0.64 cu.m.= 0.18 tons at sa Libingan ng mga Bayani ay 3.04 cu.m.= 0.86 tons, sa kabuuan ay tinatayang aabot lamang sa 5 toneladang mga nahakot na basura.
Malaking bagay umano at nakatulong sa pagbawas ng basura ay ang araw- araw na ginagawang paglilinis sa mga semeteryo ng pamahalaang lokal at administrator nito.
Samantala, ayon naman sa direktiba ni MMDA Chairman Danilo Lim, simula ngayong araw na ito ng Biyernes (Nobyembre 3), na magiging puspusan ang gagawing “clean up drive” ng kanilang mga tauhan sa mga malalaki ng pampubliko at pribadong mga sementeryo sa Metro Manila.
Ito ay base sa kanilang programang “Oplan Undas”. Kasabay nito bawal munang mag-leave at lumiban ang kanilang mga kawani lalu na ang mga nakatalaga sa Me-tro Parkway Clearing Group.
- Latest