Poll protest gusto nang matapos ni Leni
MANILA, Philippines — Gusto nang matapos ni Vice Pres. Leni Robredo ang inihaing electoral protest ni dating senador Bongbong Marcos laban sa kanya.
Ayon kay Robredo, kung siya lang ang masusunod kahit pa umuusad ang kaso, nais niyang sa lalong madaling panahon ay matapos na ang inihaing protesta ni Marcos. Mas nais umano niyang mapabilis na ang pagresolba rito.
“Natutuwa naman tayo na umaandar na ang kaso, kasi the sooner na ma-resolve ang kaso, mas mabuti sa akin, para hindi na niya ginugulo,” ayon sa Pangalawang Pangulo.
Magugugnita na dati nang sinabi ni Robredo na tiwala man siya na malinis ang kanyang pagkapanalo ay hindi pa rin umano nawawala ang kabahan siya dahil kilala umanong may “history” ang mga Marcos pagdating sa pandaraya.
Naniniwala umano si Robredo na gagawin umano ni Marcos ang lahat upang makabalik lang sa kapangyarihan.
- Latest