^

PM Sports

Iiwan na lang ni Bundit ang Lady Eagles kung...

Pang-masa

MANILA, Philippines — Taliwas sa mga naunang naglabasang balita na bababa na sa kanyang puwesto, pinagsabihan umano ng pamunuan ng Ateneo ang kanilang women’s volleyball coach na si Anusorn “Tai” Bundit na huwag nang magpakita sa ensayo.

Ganito ang paglilinaw  na ginawa ng Lady Eagles supporter at dating team manager na si Tony Boy Liao.

Ito ‘y matapos maglabasan ang mga  balita na magbibitiw na ang Thai coach dahil nahihirapan ito sa sitwasyong malayo siya sa kanyang pamilya.

Ayon kay Liao ay regular namang nakakauwi ng Thailand si Bundit para makapiling ang pamilya at makapagbakasyon sa panahon ng pagiging coach nito ng Lady Eagles.

Nagsimula aniya ang gusot nang magreklamo ang mga players sa sistema ng training na ginagawa ng kanilang coach at sa playing time na ibinibigay sa kanila partikular ang mga nasa second six o mga reserves.

Nagsagawa na rin umano ng pag-uusap ang magkabilang panig, ngunit nanindigan si Bundit sa kanyang kagustuhan na ipagpatuloy ang nasimulang istilo at sistema sa training na ginawa nito noong panahon pa nina Alyssa Valdez na nagresulta sa dalawang titulo sa loob ng apat na finals appearances.

“Sabi niya (Bundit) ‘Okay, kung ganiyan ‘yung gusto niyo, I will leave’,” ani Liao na sinabi ni Bundit.

Kahapon habang sinusulat ang balitang ito ay may pagpupulong na nagaganap sa pagitan nina Liao at Bundit at Ateneo president Fr. Jett Villarin na inaasahang puwede pang makaayos sa problema at makapagpabago sa saloobin ng Thai coach na lubhang nasaktan sa inasal ng mga players niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with