^

Bansa

Crackdown ni Trump sa mga adik sa US inaasahan na ni Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Crackdown ni Trump sa mga adik sa US inaasahan na ni Duterte

Isa-isa pang binasa ni Duterte ang mga kemikal at illegal substance na nagiging sanhi ng adiksiyon sa US. AP /Evan Vucci, File

MANILA, Philippines — Inasahan na ni Pangulong Duterte ang pahayag ni US Pres. Donald Trump na “crackdown” laban sa iba’t ibang uri ng nakaka-adik na gamot kabilang ang recreational marijuana kung saan idineklara nitong isang public health emergency ang “opioid epidemic.”

Isa-isa pang binasa ni Duterte ang mga kemikal at illegal substance na nagiging sanhi ng adiksiyon sa US.

“O kita mo ngayon. They (Amerika) just declared. I just listened. Look at the newspapers. Sinabi niya (Trump), I will declare a national health issue,” ani Duterte.

Sinabi pa ng Pangulo na bibigyan niya ng kopya ang bawat paaralan ng listahan ng mga nakakaadik na gamot at kemikal.

Binanggit rin ng Pangulo na ang cannabis o marijuana ay nagtataglay ng 50 porsiyentong tar kaysa sa sigarilyo.

“Cannabis smoke contains 50 percent tar, more than the high-tar cigaretteAs, which puts users at an increased risk of lung cancer and other respiratory diseases,” ani Duterte.

Delikado rin aniya ang paghahalo ng cocaine at alcohol dahil mas tataas ang tiyansa na mamatay ang gumagamit.

Sinabi pa ng Pangulo na ang mga iligal na gamot at substance ay nakakaapekto sa kalusugan.

Binatikos din ni Duterte si dating US Pres. Barack Obama na paimbestiga umano ng paimbestiga sa kanyang laban sa iligal na droga gayong maraming US citizens ang adik sa substance kabilang ang mga painkillers.

“Before I left, I was viewing CNN. Trump has declared a national emergency because of drugs. Sinabi ko na eh. Sinabi ko, ‘Kayo, paimbestiga-imbestiga sila Obama noon,” ani Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with