Joshua may bright future na nakaabang
Marunong umarte ang bagets actor na si Joshua Garcia. Ilang episode na ng TV series sa ABS-CBN na The Good Son ang nasubaybayan ko nitong past days na nasa bahay ako at nagmumuni-muni.
Pihit dito, pihit doon ang ginagawa ko, bale apat na TV channel lang naman, pag nabanas ka sa isa, pihit sa isang channel.
Dito ko napansin na itong bagets na si Joshua ay may talent talaga in acting, kaya pala maraming young girls & tsuffatid na tinitilian siya kahit saan makita specially sa isang taping na ginanap sa isang sikat na unibersidad sa Laguna. Tall and handsome pa ang bagets.
Pero sa totoo lang, pati ‘yung mga young boys sa cast gaya nina Nash Aguas at Jerome Ponce ay may future to become big star dahil mga pogi, matatangkad, at K na K ang akting.
Huwag mo nang itanong sina Mylene Dizon, Eula Valdez, John Estrada, Ronnie Lozano, Liza Lorena na over talented na at mga respetadong mga artista. Itong anak ni Pen Medina na si Ping Medina like father like son pagdating sa husay sa pagganap. At teka, lahat naman ng mga binanggit kong artista, sa mga serye na kasama sila, hindi lang nakakasinok ang mga ginagampanang papel, ke-TH, ke-matsuba, ke malaki butas ng ilong. ‘Yan ay panlabas na anyo nila, pero napakagagaling naman talaga nilang umarte, isama mo pa ang mga beterano at beterana na sina Isabel Lopez, Celia Rodriguez, Pen Medina at Daria Ramirez, syempre pa ang writers at direktor ng bawat serye.
E, kasi sila naman ang gumagawa ng papel ng bawat karakter para kasuklaman o kaawaan ng mga TV viewers. Ganern!
Marawi kailangan ng dasal para mabilis na makabangon
Alam n’yo po, one month nang durog ang puso ko, may pinagdadaanan kaya hindi ako naka-attend ng screening days ng Star Awards for Television. Dapat pala magkaroon ng bagong resolution ang PMPC para sa kapakanan ng mga past president na excuse na sa mga screening or meetings, except sa mga special events na needed ang presence ng past presidents.
Anyway, nadagdagan nga ang aking stress sa panonood namin sa TV ng mga kaganapan sa Marawi City, hindi ko matanggap ang mga batang hostages ng Maute-ISIS. Grabe, lalo na ‘yung batang hinahanap ang tatay niya at iyak nang iyak. May nakita rin akong nakahubad at uhaw na uhaw. Mahina ang loob ko pagdating sa bata.
Ngayon, malaya na ang Marawi City pero, mukhang mahirap nang maibalik sa dati ang maganda at kaunlaran ng syudad. Ipagdasal natin sa Panginoong Diyos na muling makabangon ang bayang ito. Batiin natin ang mga sundalo, pulis, matatapang na mamamayan at iba pa.
Marami ang nawalan ng kabuhayan at tirahan. Marami rin ang nagrereklamo na parang ninakawan sila.
Naku po! Pabayaan na lang ‘yan! Mapapalitan din ang mga ‘yan, ang importante ay ang buhay dahil iisa lang ang ating buhay. Ang mga gamit ay pwedeng palitan pero ang buhay ay hindi na. Basta be thankful kay Almighty God at sa inyong si Allah dahil tapos na ang matagal na giyera.
Salamat kay President Digong Duterte. At saludo kami sa ating mga bayaning sundalo, alagad ng batas, tanod at iba pa. God bless all!
Nanampal sa elevator bagay sa Marawi
To hell with this guy na ipinalabas sa news na nanampal ng isang bata sa elevator ng isang condo kung saan naninirahan ang lalaki. Buti na lang at may CCTV ang elevator kaya natunton ang lalaking nanampal.
May diperensya ang batang lalaki na 12 years old. Ilang beses na sinampal ng lalaki ang bata na malakas. Sarap niyang tadyakan! Dapat dalhin sa Marawi City ang lalaki nang masabugan ng bomba ang ungas! Nag-apologized naman ang lalaki pero useless na dahil nakapanakit na siya! Hmmpt! Ginagalit ako ng mamang ‘yun e, taas tuloy ng HB ko! Pasaway!
- Latest