Piolo aminadong matakaw
MANILA, Philippines — Pangalan pa lang niya ang naririnig, kinikilig na ang halos lahat ng mga tagahanga ni Piolo Pascual.
Si Papa P na yata ang perfect description ng dream boy na halos lahat na yata ng kababaihan, mapa-single ladies man ito o certified mommies ay gustong makasama.
Pero sa kabila ng “glamour at fame,” may isang side si Piolo na paminsan-minsan, mas pinipili niya ang tahimik at relax na buhay.
“I’ve learnt to not take my work home. Iniiwan ko sa set. Pagkatapos mag-trabaho, uuwi ako sa bahay. Wala akong stress. Hindi ko ini-stress ang sarili ko.”
Kaya naman kapag nasa bahay lang siya, mas makikita raw ang Piolo na mas gusto ‘yung easy life lang at ang nakasanayan comfort food tulad ng corned beef.
Sey nga niya, “Pag nasa bahay lang ako, comfort food ko ‘to. Yung nailuluto ko. Gisa gisa, konting sibuyas.”
Hindi takot si Piolo na sumubok ng bago at puwedeng mas magustuhan lalo na ng panlasa niya. Kaya naman para kay Piolo, isang malaking blessing sa kanya na maging ambassador ng Highlands Gold Corned Beef with Angus Beef.
“This is the only corned beef with Angus Beef. I love its natural and superior beef taste!
“Hindi malitid ang Highlands Gold Corned Beef at hindi matabang. This is definitely my kind of comfort food,” sey ni Piolo.
Sabi pa ni Piolo, “Walang bawal sa akin. I can eat anything. Malakas akong kumain, sobra. Kaya malakas akong magwork-out. Ayokong i-deprive ang sarili ko. For me, eating is a reward.”
Nilinaw naman niya na pagdating pa rin sa ilang bagay at mga pagkaing pinipili niya, sinisigurado niyang may value.
“Food intake and the kind of life that I live, it resonates with the brand of Highlands Gold because it gives the premium taste of corned beef.
“And it’s something that when you hear it, it’s a reward. So parang for me, I treat myself as a reward. Something that is precious,” saad niya.
Bilang isang endorser, napatunayan na nga ni Piolo ng ilang beses kung gaano siya ka-effective.
Naniniwala rin si Papa P na bilang isang celebrity at endorser ay may responsibilidad siya sa publiko lalo na sa popularidad na meron ang social media ngayon.
- Latest