Winwyn nag-blend sa mga Latina
Mukha namang nag-blend ang beauty ng kinatawan ng Pilipinas sa 2017 Reina Hispanoamericana na si Teresita Ssen Marquez na mas kilala bilang si Winwyn Marquez sa iba pang kandidata ng nasabing pageant na nagmula sa iba’t ibang Latin American countries tulad ng Venezuela, Colombia, Ecuador, Brazil, Paraguay, Dominican Republic, Mexico, Curacao, Haiti, Bolivia, Spain, Aruba, Chile, Nicaragua at USA.
Habang nalalapit na ang coronation night ng 2017 Reina Hispanoamericana na gaganapin sa Santa Cruz, Bolivia on November 4, 2017 ay lalo namang lumalakas ang pag-asa ng Pilipinas na maiuuwi ni Winwyn ang korona.
Sunud-sunod na pagpanaw…
Sa loob lamang ng sampung araw sa buwang ito ng Oktubre ay tatlong taga industriya ang pumanaw – ang veteran movie director na si Maning Borlaza (Oct. 12), ang Pinoy rapper-comedian na si Vincent Daffalong (Oct. 19) at si Baldo Marro (Oct. 22).
Bukod sa pagiging fight and stunt director, nagbida rin si Baldo sa ilang action movies at kasama na rito ang pelikulang Patrolman in 1988 na siyang nagbigay sa kanya ng Best Actor trophy mula sa Metro Manila Film Festival. Nakapagdirek din siya ng 13 pelikula na magkakahiwalay na pinagbidahan nina Lito Lapid, Jestoni Alarcon, Roi Vinzon, Joko Diaz, Ace Espinosa, Brando Legaspi at Zoren Legaspi. Naging character actor din siya ng maraming pelikula (mostly action movies).
Huling proyekto ni Baldo ang pagiging stunt and fight director ng hit afternoon TV series ng GMA, ang Ika-6 na Utos na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon.
Si Baldo ay kasalukuyang nakaburol sa Samson Funeral Homes sa Tirona Highway, Bacoor, Cavite.
Mula sa amin dito sa Pilipino Star NGAYON, ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga mahal sa buhay na iniwan ni Baldo Marro.
Lj nanganak na
Ang dating PBA player turned head coach ng Alab Pilipinas ng ASEAN Basketball League na si Jimmy Alapag ay masayang-masaya sa paglabas ng kanilang ikatlong baby ng wife niyang si LJ Moreno.
Isinilang ni LJ ang kanilang bunso na si Calen Asher last Sunday sa Makati Medical Center.
jona namatayan pagkatapos mag-guest sa concert
Isang gabi matapos ang special guest performance ni Jona (Jonalyn Viray) sa two-night sold-out concert ni Regine Velasquez sa SM MOA Arena last Saturday, October 21 ay sumakabilang-buhay ang 51-year-old father ng singer kinabukasan, October 22, araw ng Linggo.
Mahigit isang linggong naratay sa ICU ang ama ni Jona bago ito binawian ng buhay nung Linggo.
Our condolences kay Jona at sa kanyang pamilya.
- Latest