BIFF nakaka-excite!
Habang binabasa ninyo ito, rumarampa na kami nina Salve Asis at Isah Red sa Busan, South Korea.
Maaga ang flight namin kahapon kaya naloka ako dahil walang katau-tao sa airport nang dumating ako.
Overacting ako dahil sa sobrang excitement na makita ko nang personal ang mga favorite Oppa ako. Alas-tres pa lang ng madaling-araw, nasa airport na ako, kesehodang 7:30 a.m. ang flight namin sa Busan with lay over sa Taipei. Feeling ko talaga, worth it ang biyahe namin dahil may makakita ako na favorite Korean actor ko sa opening ceremony ngayon ng Busan International Film Festival.
Deserve ng second chance, Mariel humingi ng tawad!
Hindi ko ini-expect na magiging isyu ang opinyon ko tungkol sa tweet ni Mariel de Leon sa depression controversy na kinasangkutan ni Papa Joey de Leon.
The issue about Mariel is not her opinion sa depression, ang naging issue eh ‘yung kawalan ng respeto sa edad at stature ni Papa Joey but sure ako na baka nagawa niya lang ‘yon dahil nga nag-flashback sa utak niya ang depression ng kanyang kapatid na nagkaroon ng cancer at ng nanay niya na na-depress nang husto nang magkaroon ng kidney transplant.
Ang sabi ko nga, ang basehan ko lagi ng ugali ng isang tao, ang mga tao na kasama niya at nagtratrabaho sa kanila.
‘Yung yaya ni Mariel, nasa kanya na mula pa noong isilang siya up to now. Kung maldita si Mariel, sure ako hindi ‘yon nagtagal sa kanya.
Lahat ng mga tao, may moment of madness, lahat tayo may nagawa na pinagsisisihan natin, lahat tayo natututo sa pagkakamali.
By now sure ako, Mariel learned her lessons in life. Sure ako, she will say sorry dahil nawala na ang galit sa kanyang puso at natanggap na niya na you can say your opinion without being rude and disrespectful of elders.
By now she is already apologetic, so bigyan natin siya ng second chance for the sake of Boyet, Sandy and her Yaya na apektado sa lahat ng mga nangyari, please?
Anyway, may-I-share ko sa inyo ang latest statement at apology ni Mariel tungkol sa isyu na pinagpistahan ng lahat.
“I’m a very passionate person. Especially when it comes to matters close to my heart. Most especially anxiety and depression because I know how hard the struggle is. I admit that my emotions do get the better of me and the words I choose may come out wrong at times.
“For that, I do apologize. I’m still young but I know that isn’t an excuse. I’m stil learning and going through life day by day.
“However, I still stand by my beliefs and I will still fight for what is right. I keep my advocacies close to my heart and I’ll be voicing out my opinions passionately. It is a privilege to have a platform and a voice. And I will strive to use it with due respect and fairness.”
- Latest