^

Police Metro

Kaso ng murder bumaba ng 7.98% - PNP

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa kabila ng kaliwa’t kanang pambabatikos sa tumataas na bilang ng mga napapatay sa giyera kontra droga, ipinagmalaki kahapon ng Philippine Natio­nal Police (PNP) na bumaba ng 7.98 % ang mga kaso ng murder sa naitalang bilang na 554 insidente.

Ito ang inihayag kahapon ni PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) na pinamumunuan ni P/Director Augusto Marquez Jr. base sa pinakahuling crime data na naitala ng kanyang tanggapan.

Sinabi ni Marquez na base sa rekord ng PNP-DIDM Crime Research and Analysis Center (CRAC) ang nasabing bilang ay base sa mga naitalang kaso mula ­Enero hanggang Agosto 2016 na ikinumpara naman mula Enero hanggang Agosto 2017 na nasa 6,945 at 6,391 kaso, ayon sa pagkakasunod.

Ipinaliwanag ni Marquez na ang nasabing bilang ng mga kaso ng naganap na mga murder o pagpatay ay nasa 8.41 % mula sa kabuuang Index Crime Distribution mula Enero hanggang Agosto 2017.

Ipinunto ng opisyal na ang pagbaba ng mga kaso ng mga pagpatay sa buong bansa ay sanhi ng pinaigting na kampanya laban sa droga, kriminalidad at maging sa korapsyon.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with