Slaughter, Newsome agawan sa BPC trophy
MANILA, Philippines — Sa pagkakasibak sa San Miguel ni June Mar Fajardo at Arwind Santos at TNT Katropa ni Jayson Castro ay naiwan sina Barangay Ginebra giant Greg Slaughter at Meralco wingman Chris Newsome para paglabanan ang Best Player of the Conference award ng 2017 PBA Governor's Cup.
Nanguna si Fajardo sa statistical race mula sa kanyang average na 38.455 a game kasunod sina Castro (33.563), Slaughter (32.625), Newsome (30.875) at Santos (30.583).
Sa pagkakapasok ng Gin Kings at Bolts sa Finals ng season-ending conference ay tanging sina Slaughter at Newsome, ang 2016 PBA Rookie of the Year, ang mag-aagawan sa BPC trophy.
Nawala naman sa Top Five para sa BPC derby si Ginebra veteran point guard LA Tenorio (30.188) sa pagiging No. 5 sa itaas nina Stanley Pringle (29.444) ng Globalport, Calvin Abueva (29.000) ng Alaska, Baser Amer (28.867) ng Meralco at Alex Cabagnot (28.5) ng San Miguel.
Samantala, binanderahan ni 2016 PBA Best Import Allen Durham ng Meralco ang karera para sa nasabing award mula sa kanyang 58.875 points a game.
Muling tinulungan ni Durham ang Bolts na makapasok sa PBA Finals ng torneo sa ikalawang sunod na pagkakataon.
Kumolekta si Durham, inihatid ang Meralco sa three-game sweep sa Star sa kanilang semifinals series, mula sa kanyang mga averages na 25.4 points, 20.06 rebounds at 6.8 assists.
- Latest