Medikal na Kondisyon
Sa obserbasyon, ang sintomas ng depression ay nagtatagal nang halos dalawang linggo bago ma-diagnose ang depression.
Ang depression ay maaaring umatake sa kahit anong oras na karaniwan ay unang lumalabas sa mga teenager na mid-20s. Mas marami rin sa mga kababaihan ang nakararanas ng depresyon kumpara sa mga kalalakihan. Sa research, one third sa kababaihan ay nagkakaroon ng depression minsan sa kanilang buhay.
Ang stress, pag-iinom ng alcohol, paggamit ng bawal na gamot, at pagbabago ng hormones ay nakakaapekto sa delikadong chemistry sa brain at mood ng tao.
Ang ibang kondisyon ng kalusugan ay maaaring sintomas ng depression. Tulad ng problema sa thyroid, brain tumor, o kakulangan sa bitamina na mahalagang mabigyan ng atensiyon ang mga posibleng pinanggalingan ng sakit. Kapag ang health condition ay na-diagnose karamihan ay lumalabas din ang depression.
Ang sapat na tulog at regular na exercise ay madalas na positibong panlaban sa neurotransmitter at mood ng indibidwal.
- Latest