Nagrerebelde ang Insecure na Anak
Dear Vanezza,
Single mother ako na may tatlong anak. Civil naman kami ng aking dating asawa tungkol sa aming mga anak, lalo na kapag hinihiram niya ang mga bata tuwing weekends. Pero nagtataka ako tungkol sa panganay kong dalaga na 14 years old na. Bigla siyang nagrerebelde at hindi nakikinig sa simpleng instruction tuwing manggagaling mula sa papa niya kasama ang bago nitong pamilya. Ano ba ang dapat kong gawin? – Miles
Dear Miles,
Maaaring tanungin mo ang iyong ex husband. Baka nai-insecure ang anak mo dahil may bagong pamilya ang papa niya samantalang uuwi siya sa bahay ninyo na hindi kumpleto ang pamilya. Kausapin mo ang iyong anak at abutin para malaman ang kanyang problema. Kung hindi maganda ang epekto ng pagdalaw niya sa papa niya, mas maganda sigurong itigil muna ito. Hanggang maintindihan niya ang sitwasyon.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest