^

Pang Movies

Robin mas gustong tumulong sa taga-Marawi kesa mag-shooting ng movie nila ni Sharon!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Robin mas gustong tumulong sa taga-Marawi kesa mag-shooting ng movie nila ni Sharon!

Robin Padilla

Mukhang masyadong busy ngayon si Robin Padilla sa kanyang personal na supervision ng mga ginagawang deep well para sa eva­cuation at rehabilitation centers ng mga biktima ng labanan sa Mindanao, particularly ang kaguluhan sa Marawi City.

Naging misyon na iyan ni Robin. In fact, nanghingi pa nga siya ng tulong sa ilang kaibigan para magawa ang lahat ng mga deep well na iyan.

Sinasabi niyang ilan na ang nagawa, at marami pa ang kailangang gawin, dahil kailangan iyang makukunan ng tubig oras na magbalik na ang mga evacuee sa kanilang bayan.

Habang si Robin ay nasa Mindanao at abala sa kanyang proyektong ­iyon para matulungan ang mga kapwa niya Muslim, si Sharon Cuneta naman ay umaasang masisimulan agad ang gagawin nilang pelikula. Pero siguro alam din naman niya na may problema pa, kaya minsan ay nasabi niyang kailangan ang pasensiya kung magkakaroon man ng delay ang project.

Sa sitwasyon ngayon, kailangan ni Sharon ang pelikulang iyan. Magsisilbi ‘yang unang mainstream matapos ang walong taong pagkabakante niya sa pelikula. Iyon namang kanyang ginawang indie ay hindi nakaabante nang husto. 

Masasabing ang pelikula nga siguro ay napagbigyan na maipalabas sa mga sinehan, dahil si Sharon Cuneta naman ang artista, pero maski sa sinehan hindi iyon nakaabante sa takilya kaya kailangang alisin matapos ang ilang araw. Ibig sabihin hindi pa rin maituturing na nakapag-come back si Sharon.

Kailangan niyang sundan agad iyon ng isa pang project na kikita naman para siya makabawi nang husto.

Pero made-delay, naku delikado ‘yan.

AiAi umiiwas sa mga nega!

Aywan kung bakit may nagiging issue kung hindi man kumbidahin ni AiAi delas Alas sa kanyang kasal ang dati niyang kaibigang si Kris Aquino. Sabihin na nating wala na silang samaan ng loob ngayon, pero hindi ba tama naman si AiAi na mapili siya kung sino ang mga taong gusto niyang makasama sa kanyang kasal. In the first place, mahalaga iyon sa kanya dahil iyan ang unang pagpapakasal niya sa simbahan.

Isa pa, hindi naman siguro mamasamain ni Kris kung hindi man siya makumbida, dahil siya mismo ang nagsabing “it’s not healthy to be identified with us.” Totoo naman iyon, dahil nakikita naman natin ang attitude ng mga tao sa ngayon na mukhang may allergy sa mga tinatawag nilang “mga dilawan” at obviously ang tinutukoy nila ay ang grupo ng mga Aquino. Sa kanila lang naman identified ang kulay na dilaw eh. Ngayon masisisi ba ninyo si AiAi kung ayaw niyang magkaroon ng kahit na anong negative sa araw ng kanyang kasal?                                                       Indie actor buking na naghuhubad sa bachelorette parties

May isang indie actor na nagtatanong sa isa naming kaibigan kung siya ang tinutukoy naming nagsayaw ng hubad sa isang bachelorette party kamakailan. Una, wala kaming sinabing nagsayaw ng hubad. At saka hindi siya ang a­ming tinutukoy. Pero nasabi sa amin nang napagtanungan na ang nasabing indie star na iyon ay nagpe-perform din sa mga bachelorette parties. 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with