^

PSN Palaro

Generals ‘di umubra sa Pirates

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Generals ‘di umubra sa Pirates

Bantay sarado si Allyn Bulandi ng San Sebastian kay Rey Mambatac ng Letran. Ernie Penãredondo

MANILA, Philippines — Walang makapigil sa Lyceum of the Philippines nang bihagin nito ang Emilio Aguinaldo College 86-74 tungo sa ika-14 panalo sa NCAA Season 93 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Matatag ang kapit ng Pirates sa solong pamumuno kung saan apat na panalo na lamang ang kailangan nito para makumpleto ang 18-0 sweep sa eliminasyon na magbibigay sa kanila ng awtomatikong tiket sa finals kalakip ang thrice-to-beat advantage.

Balanseng atake ang ginamit ng Pirates sa pa­ngunguna ni Jesper Ayaay na kumana ng 15 puntos at siyam na boards habang sumuporta si CJ Perez na naglista ng 13 markers, pitong boards at anim na assists.

Umatras ang Generals sa ikaanim na puwesto hawak ang 6-8 kartada.

Nagpaputok si Jerome Garcia ng 17 puntos gayundin si Sidney Onwubere ng double-double na 15 points at 11 boards sa panig ng EAC.

Sa unang laro, inilampaso ng San Sebastian College-Recoletos ang Colegio de San Juan de Letran, 95-64 upang sumosyo sa No. 3 spot.

Naging armas ng Stags ang mainit na ratsada nito sa three-point territory matapos bumato ng 16 tres para kubrahin ang kanilang ikapitong panalo sa 13 laro para saluhan ang Jose Rizal University na may katulad na 7-6 marka.

Nanguna para sa Stags  si Jason David na umiskor ng 17 puntos tampok ang tatlong three-pointers katuwang si Allyn Bulanadi na may 16 markers kabilang ang tatlo ring tres.

Gumulong sa ikalimang puwesto ang Knights na lumasap ng 7-7- baraha.

Nalimitahan ng Stags si Rey Nambatac sa season-low na anim na puntos sa 27 minutong paglalaro kung saan nakagawa pa ito ng anim sa 21 turnovers ng Letran.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with