Sino Dapat ang Taya sa First Date?
• Given naman dapat na lalaki ang taya sa first date. Kailangang magpa-impress sa babae kung gusto mong ligawan. O kung bago pa lang kayo dapat magpapogi points kay ate. ‘Pag nagtagal puwede na kayong share hahaha o kaya kung mapilit siya eh ‘di siya na lang! Hahaha Pero seryoso, sa tingin ko dapat lalaki ang gumagastos sa first date bilang pagpapaka-gentleman. – Rico, Pasig
• Depende ‘yan sa kaso. Kung mas mayaman ang babae at nag-offer naman siya, eh ‘di babae na lang. Hindi na panahon ni kopung-kopong ngayon. New millennium na kaya hindi na isyu dapat kung sino ang unang gagastos. Kung able naman ang babae, why not? Kesa naman mag-date kayo sa pishbolan kung ‘yun lang ang afford ng guy ‘di ba? – Chester, Manila
• Dapat split the bill. First date pa lang naman eh. Hindi pa naman kayo. Wala kang obligasyon kay ate para ilibre siya. Alangan naman lahat na lang ng first date, lalaki ang gagastos? Grabe kawawa naman kaming mga lalaki sa ganung setup. Hindi naman lahat ng lalaki may pera para sa first date. Kaya mas okay ang split the bill. – Ferdie, Batangas
• KKB na lang muna dapat since getting to know pa lang naman kayo. Hindi naman required sa first date na dapat manlibre si lalaki o si babae. Para mas fair, dapat kanya-kanya na lang muna. Eventually, kapag mas naging kumportable at close na maaari na sigurong lalaki ang magbayad o kaya naman ay babae. Depende sa usapan. – Charles, Cebu
• Lalaki dapat kasi ‘yun ang turo ng tatay ko. Lalaki naman talaga lagi dapat ang nagdadala ng relasyon. Sila rin dapat ang responsable para sa date nila ng babae hindi lang sa first date. Dapat lalaki ang laging gumastos. Kung walang pera ang lalaki, naku, ‘wag nang magbalak makipag-date. Kumain ka na lang o manood ng sine na mag-isa. Hahaha – Franco, Bataan
- Latest