Pari nailigtas sa teroristang Maute-Isis, nagpasalamat
MANILA, Philippines — Matapos na nailigtas noong Sabado mula sa mga teroristang Maute-Isis ang pari na si Fr. Teresito “Chito” Larroza Soganub ay malugod itong nagpasalamat para umano sa kanyang ikalawang buhay.
“God bless you all and pray for me also for my healing and recovery . Thank you very much and God Bless you all “, maikling pahayag ni Fr. Soganub matapos itong iharap nina AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, Defense Secretary Delfin Lorenzana at iba pa sa mediamen sa Camp Aguinaldo kahapon.
Ayon kay Año, nagpasalamat sa tropa ng militar si Fr. Soganub, 51-anyos ng Norala, South Cotabato matapos itong masagip sa battle zone sa Bato Mosque kasama ang isa pang bihag na si Lordbin Noblesa Acopio, 29, ng Badiangan, Iloilo.
Sinabi rin ni Año na noong una ay nasabi ni Fr. Soganub na ipinauubaya na niya sa Diyos ang kaniyang buhay matapos mabihag ng Maute-Isis terrorists noong Mayo 23 ng taong ito at hindi sukat akalain na matapos ang 117 araw ay muling makakaligtas.
Bandang alas-11:45 ng tanghali noong Sabado nang mailigtas ng Task Force Marawi si Fr. Soganub at Acopio sa rescue operations sa Brgy. Sangcay, Dansalan, Marawi City.
- Latest