Pagbibitiw ng CHR chief hingi ng obispo
MANILA, Philippines — Isang obispo ng Simbahang Katoliko ang nagsabi rin na dapat nang magboluntaryong bumitiw sa puwesto si Commission on Human Rights Chairman Chito Gascon dahil hindi naman nito nagagampanan nang maayos ang kanyang trabaho.
Sinabi ni dating Catholic Bishops Conference of the Philippines President Bishop Oscar Cruz na maging siya ay nagtataka sa pananahimik ng CHR particular ni Gascon sa isyu ng pagpatay sa dalawang binatilyo sa Caloocan city.
Ayon kay Cruz, wala siyang naririnig mula sa CHR sa kabila ng mga patayang nagaganap sa paligid at sa halip ay ang Public Attorney’s Office ang aktibo sa pag-asikaso sa mga kaso.
- Latest