^

Bansa

Sept 21 araw ng protesta

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Sept 21 araw ng protesta

Kalahok ang mga senador na sina Risa Hontiveros, Antonio Trillanes, Francis Pangilinan at iba pang personahe sa pagtitipon sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan para sa paglulunsad ng Tindig Pilipinas, isang kilusan laban sa mga paglabag sa karapatang pantao. Inihayag din ng grupo ang isasagawa nilang kilos-protesya sa Setyembre 21, 2017. Boy Santos

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi special non-working holiday sa buong bansa ang dara­ting na September 21 kundi idineklara niya itong “Day of Protest”.

“Hindi holiday ang Setyembre 21. Araw iyan ng protesta. Lahat ng gustong magprotesta, kabilang yaong nasa gobyerno, maaaring ma­kapagdemonstrasyon,” paliwanag ng Pangulo sa isang ambush interview sa Caloocan City. 

Walang pasok sa mga government offices at mga paaralan sa Metro Manila habang ang nasa private sector naman ay discretion na ito ng kanilang mga amo.

Magugunita na noong September 21, 1972 ay idineklara ni yumaong Pangulong Ferdinand Marcos ang batas militar sa buong bansa.

Sinabi pa ng Pa­ngu­lo, maging ang media na mga underpaid ay puwedeng sumama sa kilos-protesta sa September 21 na idineklara niyang national day of protest.

Kami rin sa gobyerno ay magprotesta rin. Ang suweldo namin maliit, wala kaming mga equipment,” dagdag pa ni Pa­ngulong Duterte.

May nakatakda ring gawing kilos-protesta sa Luneta na inilunsad ng ilang grupo para kondenahin ang mga extrajudicial killing na nagaganap sa bansa.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with