^

Police Metro

Mangkukulam na lola, pinagbabaril

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 57-anyos na lola na pinaratangang mangkukulam ang pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang suspek naganap kamakalawa sa Brgy. San Ramon, Manabo, Abra.

Namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Rosa Aliguen, residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-8:45 ng umaga sa Sitio Casacgudan, Brgy San Ramon ay kasalukuyang naglalakad ang biktima sa lugar kasama ang isang Purita Dangatan, 59 patungo sa kapilya nang harangin ng mga suspek at walang kaabug-abog na pagbabarilin ang biktima.

Hindi naman sinaktan ng mga ito si Dangalan at mabilis na tumakas.

Sa imbestigasyon ng pulisya na ang biktima ay pinararatangang mangkukulam at umano’y marami ang nais maghiganti dito at posibleng ito ang dahilan ng pagpatay sa kanya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with