2017 MBC National Choral Competition
MANILA, Philippines — Inilunsad na ng Manila Broadcasting Company ang 2017 MBC National Choral Competitions sa dalawang dibisyon – Children’s Choirs at isang Open Category para sa mga mataas na paaralan, mga upisina, o iba’t-ibang ahensiya sa pampubliko at pribadong sektor. Ito ang tampok sa kanilang taunang selebrasyon ng Paskong Pinoy.
Magkakaroon ng live auditions sa Cebu – Sept 30; GenSan – Oct 1; Lucena – Oct 7; Iloilo – Oct 14; Star Theater – Oct 15; Zamboanga – Oct 20; Laoag – Oct 27, at Cauayan – Oct 29. Ang mga taga-lalawigang malayo sa audition sites ay maaring mag-video audition sa pagpapadala ng DVD recording ng grupo, kasama ng application form sa Manila Broadcasting Company, Sotto Street, CCP Complex, Roxas Boulevard, Pasay City. Kailangang matanggap ito bago mag ika-16 ng oktubre.
Isandaang libong piso ang nakalaan sa magwawagi sa children’s division at siyento-singkuwenta mil naman sa kampeyon ng open category. May travel subsidy rin para sa bawa’t provincial choir na papasok sa competition proper na gaganapin sa Aliw Theater mula December 5-9, 2017.
Maaring makuha ang detalyadong contest mechanics sa official Facebook page ng MBC National Choral Competitions, o makipag-ugnayan sa email ng [email protected].
- Latest