Marian laging may pressure sa mga ginagawa
Masaya ang interview kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera noong grand launch ng pagbabalik-teleserye niya sa GMA Network na lalong gumanda sa kanyang suot na Michael Cinco gown. Iisa ang tanong kay Marian pagkatapos nilang mapanood ang full trailer ng Super Ma’am na hindi lamang siya gumaganap na isang teacher, kundi iyong alter ego niya kapag nagiging Tamano siya na pinaniniwalaan niyang nag-i-exist ang mga mythical winged creatures sa ating society na nag-iiba ng anyo at tumutulong sa mga nangangailangan. Hindi ba siya napi-pressure doing dual role na ginagampanan niya ngayon?
“Lahat naman ng gagawin natin laging may pressure sa simula, pero kapag nasanay ka na, ang nasa isip mo na lamang ay kasama ito sa trabaho mo,” sagot ni Marian. “At ako, priority ko talaga ang ginagampanan kong role na pinaghandaan ko, training for the role at masaya ako na binigyan ako ng GMA ng mga mahuhusay na artista, kahit iyong iba ay ngayon ko lamang nakasama at bago rin ang director namin, si LA Madridejos, na napakahusay talaga. Binigyan din ako ng GMA ng chance na pumili ng makakasama ko, si Kim Domingo ang isa sa kanila at sa leading man, kahit sa GMA na iyon, ni-request ko rin si Jerald Napoles, dahil bukod sa kasama ko siya sa Triple A, kilala ko na siya at comfortable ako sa kanya dahil matagal na kaming magkasama sa Sunday PinaSaya. At natuwa rin ako na binigyan nila ako ng bagong leading man kay Matthias Rhoads.”
Hindi rin problema kay Marian kung pareho silang nagtatrabaho ngayon ng asawang si Dingdong Dantes. Mayroon kasing Alyas Robin Hood action-drama series si Dingdong plus may ginagawa rin itong movie sa Star Cinema with Aga Muhlach and Enrique Gil.
“Tulad ngayon may taping si Dong, kaya si Zia, iniwanan ko muna sa mother-in-law ko, at susunduin ko siya ngayon, after ng presscon. Three times a week lamang ang taping ko, kaya natututukan ko pa rin si Zia. Kung may iba akong work, tulad ng photo shoot at TVC shoot, kung pwede, isinasama ko ang anak ko, para may bonding pa rin kaming mag-ina. Hindi naman mahirap alagaan ang anak namin, kasi, napakabibo niya at masayahin. Kung inaantok na siya, kusa na siyang natutulog.”
Paano ang balak nila ni Dingdong na sundan na rin si Zia, dahil sabi nga niya, hindi na siya bumabata at gusto nilang magkaanak ng lima. Magsisimula pa lamang ang airing ng Super Ma’am sa Monday, September 18.
“Hindi ko bibiguin ang pagtitiwala ng GMA sa akin, tatapusin ko itong Super Ma-am namin at saka namin ibibigay ang baby brother na gusto ni Zia,” nakatawang patapos ni Marian at nagpaalam na dahil susunduin na raw niya si Zia.
Matt certified Kapuso na
Nahulaan agad ng mga televiewer ng long-running noontime show na Eat Bulaga, na lilipat na sa GMA ang PBB graduate na si Matt Evans nang mag-guest siya sa Jackpot En Poy segment ng show. Hindi nga nagkamali ang televiewers dahil kasunod na nito ang post ni Matt Evans sa kanyang Instagram account na nagpapasalamat at nagpaalam sa lahat ng mga nakasama niya sa Kapamilya Network tulad nina Mr. M at Ms. Mariole ng Star Magic, kina Ms. Cory Vidanes, Lauren Dyogi at Deo Endrinal na siya raw nagbigay ng first project niya, ang Pedro Penduko. Nagpasalamat siya sa tiwala na ibinigay sa kanya ng 11 years. Mami-miss daw niya silang lahat.
Si Matt ay iha-handle na ni Rams David at ng kanyang talent agency, apart from Triple A na mina-manage rin niya.
- Latest