^

Bansa

Abdullah Maute patay sa air strike

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay umano sa air strike operations ng Armed Forces of the Philippines ang lider ng Maute - Islamic State of Iraq and Syria (ISIS)  na si Abdullah Maute kaugnay ng patuloy na bakbakan sa pagitan ng tropa ng militar at ng te­roristang grupo sa Marawi City  na nasa ika-105 araw na kahapon.

Sinabi ni AFP Western Mindanao Command Lt. Gen. Carlito Galvez  Jr., na nakatanggap sila ng impormasyon na patay na si Abdullah Maute.

 Gayunman, sinabi ni Galvez na kailangan munang makuha ang bangkay ni Abdullah upang makumpirma ang ulat. Sakali namang marekober ang bangkay nito ay kailangan muna itong isailalim sa DNA test bilang matibay na pruweba.

Batay sa intelligence information, si Abdullah na isa sa tatlong lider ng mga terorista sa Marawi City ay  napatay umano sa air strike ng militar sa pagitan ng Agosto 14 at Agosto 26 kung saan ang impormasyon ay nakuha sa kanilang impormante.

Ang kapatid ni Ab­dullah na si Omar na una nang napaulat na napaslang din sa air strike ay pinaniniwalaan ng militar na buhay pa  at nasa battle zone sa lungsod.

Kaugnay nito, kinumpirma ng opisyal na nasa huling yugto na ang kanilang operasyon o ang Oplan Final Assault sa lungsod ng Marawi upang tuluyang madurog ang Maute –ISIS terror group.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with