Signal No. 1 sa 3 lugar kay ‘Jolina’
MANILA, Philippines — Ganap nang bagyo ang low pressure area na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).
Huling namataan ng state weather bureau ang bagyong “Jolina” sa 540 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora kaninang alas-4 ng hapon.
Taglay ni Jolina ang lakas na 45 kph at bugsong aabot sa 60 kph, habang gumagalaw pa kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 17 kph.
Nakataas ang tropical cyclone warning signal sa Southern Cagayan, Isabela, at Northern Aurora.
Tiantayang nasa 255 kilometro silangan ng Baler, Aurora si Jolina bukas at sa Laoag City, Ilocos Norte sa Sabado.
Inaasahang sa Linggo lalabas ng Philippine area of responsibility ang pang-10 bagyo ngayong taon.
- Latest