^

Police Metro

Ex-Zambo Mayor dinismis ng Ombudsman

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinismis ng Ombudsman si dating Zamboanga del Sur Mayor na ngayon ay Vice Mayor na si Nacienceno Pacaligoga dahil sa pamemeke ng Statements of Assets Liabilities and Net Worth (SALN).

Ayon sa Ombudsman, hindi idineklara ni Paca­ligoga ang malalaking mga  ari-arian nito noong 2011, 2012 at 2014  sa kaniyang isinumiteng SALN.

Kaya’t pinatawan si Pacaligoga ng parusang pagkansela ng kaniyang eligibility, pagtanggal ng benepisyo sa pagreretiro  at diskuwalipikasyon sa re-employment sa ser­bisyo sa gobyerno.

Inatasan rin ng Ombudsman ang Secretary of Interior and Local Government na mag-implementa ng  karampatang parusa laban kay Pacaligoga.

Nabigo si Pacaligoga na ideklara ang sampung lupain nito sa magkakaibang barangay sa bayan ng Dumingag at ikinatwiran na hindi na umano niya kailangang  ideklara pa ang kaniyang mga ari-arian pabor sa Dumingag United Su­banen Association Inc at isang tinukoy na si Roel Dumayon noong 2011.

Nakitaan rin ng Ombudsman ng probable cause para patawan ng tatlong counts ng perjury at  tatlong counts ng paglabag sa Section 8  sa ilalim ng Section 11 ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (Republic Act No. 6713).

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with