^

Pang Movies

Marian umatungal nang batiin sa show

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Umiyak si Marian Rivera sa Sunday PinaSaya kahapon dahil nagpaabot ng pagbati sa kanya ang mga taong natulungan niya. Nariyan ‘yung taong may bingot na para sa adbokasiya niyang Smile Train, ang Little People, ang doctor sa Philippine General Hospital at taong may kapansanan.

“Hindi ako perpektong tao kaya naman sa abot ng aking makakaya eh, gusto kong makatulong,” pahayag ni Marian.

Pinasalamatan ng GMA Primetime Queen ang pamilya, ang Triple AAA, si Bambbi Fuentes at fans niya mula noong Marimar days niya. Siyempre pa ay ‘di mawawala ang asawang si Dingdong Dantes sa mga taong pinasalamatan niya.

Siyempre, isang matamis na halikan sa labi ang ginawa nila ni Dingdong  sa harap ng TV, huh!

Anyway, bukod sa selebrasyon sa SPS kung sana nagbuwis-buhay siya sa isang production number, isang sorpresang birthday ang ibinigay ni Dong sa asawa last Saturday, August 12.

Ewww, Michael Pangilinan nag-selfie habang pinaglalaruan ang nota

May bago na namang hubad na larawan si Michael Pangilinan. Bukod ito sa sex video niyang nagpapaligaya sa kanyang sarili, huh!

This time, tutuk na tutok sa kanyang kargada ang photo. Mas malinaw kumpara sa sex video, huh!

Eh hanggang katapusan ng Disyembre na lang ang pagma-manage ng radio host/columnist na si Jobert Sucaldito kaya naman gawin man ni Michael ‘yon, hindi na marahil masyadong maapektuhan ang manager niya, huh!

Aktor na may scandal ayaw magpainterbyu

Iwas ang isang aktor na magpainterbyu sa isang magazine show host. Takot siyang baka makalkal ang eskandalong kina­sangkutan niya.

Siyempre, ‘pag nasa harap na ng kamera ang aktor, hindi na siya puwedeng makaiwas. Eh taklesa rin ang host kaya hindi puwedeng makalusot sa kanya ang issues sa aktor.

Kaya naman kahit anong pilit sa aktor, dedma siya sa request ng magazine show host na i-feature siya.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with