Vice may nakaabang na demanda?!
Napaigtad pala si Billy Crawford nang mapakinggan nito ang payo ni Vice Ganda sa male contestant ng It’s Showtime noong Biyernes.
Napaigtad pala si Billy dahil ginamit ni Vice Ganda ang name ni Papa Tony Calvento sa advice niya sa male contestant na naging ugat para magbanta na magdedemanda ang aking kumpare na palaban at hindi papayag na maagrabyado.
Si Papa Tony ang pangalawa sa mga popular broadcast journalist na nainsulto sa joke ni Vice Ganda. Nauna na si Mama Jessica Soho na nananahimik pero pinaglaruan ni Vice sa concert nito noon.
Naalaala ko tuloy si Mang Dolphy, ang King of Comedy.
Mahusay magpatawa si Mang Dolphy pero sinisiguro niya na walang masasaktan o maiinsulto sa kanyang mga biro.
Naging King of Comedy si Mang Dolphy dahil sa kanyang natural na talent sa pagpapatawa na hindi kailangan na mang-insulto o makasakit ng kapwa na puwedeng gamitin ni Vice na inspirasyon para hindi na maulit ang nangyari sa kanila nina Papa Tony at Mama Jessica.
Ipe halos memoryado ang Bibliya
Pastor ang role ni Phillip Salvador sa Pastor, ang closing film ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.
Hindi masyadong visible sa showbiz si Ipe kaya marami ang hindi nakakaalam na active siya sa simbahan na kanyang kinaaaniban.
Hindi nga nakakagulat kung maging pastor si Ipe sa tunay na buhay dahil pinag-aaralan niya ang mga salita ng Diyos. Nasosorpresa ang mga nakakausap ni Ipe dahil sa malawak na kaalaman nito tungkol sa Holy Bible.
Alfred magiging aktibo na sa TV
Ipalalabas sa mga sinehan sa September 2017 ang Cinemalaya movie ni House Representative Alfred Vargas, ang Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa.
Marami ang hindi nakapanood sa pelikula ni Alfred dahil hindi sila nakapunta sa Cultural Center of the Philippines at sa mga sinehan ng Ayala Malls kaya good news para sa kanila ang commercial rin ng Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa sa susunod na buwan.
Hindi ako sure kung gagawa pa si Alfred ng pelikula para sa Cinemalaya pero sigurado ako na magiging active na siya sa TV dahil talagang na-miss niya ang pag-arte na kanyang naramdaman nang umapir siya sa Encantadia.
Winwyn laging ayos na ayos ‘pag lumalabas
Malakas ang pakiramdam ng fans and supporters ni Winwyn Marquez na magkakaroon ito ng puwesto sa Miss World Philippines 2017 dahil ganito rin ang feeling nila nang mag-join si Mariel de Leon sa Bb. Pilipinas noong April 2017.
Win si Mariel sa Bb. Pilipinas dahil siya ang nag-uwi ng Bb. Pilipinas –International title.
Malaki ang iginanda ni Winwyn at umaapaw ang self-confidence niya kaya marami ang pumupusta na matutupad sa Miss World Philippines ang kanyang dream na maging beauty queen.
Mula nang maging official candidate si Winwyn ng Miss World Philippines, hindi natin siya makikita na hindi nakaayos. Perfect ang kanyang makeup at pili ang mga bestida na isinusuot niya. Talagang sinunod at pina-practice ni Winwyn ang mga natutunan nito sa training niya sa Aces & Queens.
- Latest