Free tuition sa college, pasinaya sa bagong social revolution-Salceda
MANILA, Philippines - Ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act (RA 10931) na nilagdaan na ni Pangulong Duterte ay magsisilbing pasinaya sa bagong “social revolution” o daluyong ng mga pagbabago tungo sa totohanang patas na lipunan, ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, ang may akda ng batas sa Kamara.
“Sadyang napakahalagang panlipunang batas ito, kasunod ng ‘Tax Reform for Acceleration and Inclusion’ (TRAIN), dagdag ni Salceda na siya ring pangunahing nagbalangkas at may akda ng TRAIN.
Sa ilalim ng bagong batas, gagasta ang pamahalaan ng P10.486 bilyon para sa matrikula at P6 bilyon para sa iba pang gastusin ng tinatayang 984,000 SUCs students sa taong 2018. Sa Bicol University sa Albay na nasa ika-2 distrito ng lalawigan na kinakatawan ni Salceda, mga 28,000 students ang makikinabang nito na aabot sa P340 milyon ang katumbas isang taon.
Bukod sa mga nasa SUCs, tinatayang mga 295,000 students na nasa pribadong pamantasan at kabilang sa 30% mahihirap ang magkakaroon din ng P20,000 tertiary education subsidy bawat semester na magagamit nila para sa matrikula at iba pang gastusin. Katumbas ito ng P13 bilyon.
Salungat sa pananaw ng ilan, tampok ng RA 10931 ang mahahalagang mekanismo para maingganyo ang mahihirap na magsikap na itaas ang antas ng kanilang mga sarili sa pamamagitan ng higit na mataas na pinagaralan.
Isinanib sa HB 2771 ni Salceda ang katulad nitong bill ni Kabataan partylist Rep. Sarah Jane Elago ngunit pinanatili ang titulo at tampok na mga probis-yon ng bill ni Salceda. Bahagi rin nito ang National Student Loan Program (NSLP) na pamamahala-an ng UniFAST Board. na ang pautang ay babayaran lamang kapag nagtapos, nagkatrabaho at kumikita na na sapat o hindi bababa sa P360,000 isang taon ang umutang.
- Latest