Parekoy (93)
“DUDA ako sa riding-in-tandem na ito, Parekoy. Kapag kinutuban ako, 99 percent na magyayari,” sabi ni PO3 Jun na nananatiling relaks ang boses.
“Ano sa palagay mo ang mga ‘yan, PO3?’’
“Hired killer!’’
“Anong gagawin natin?’’
“Relaks ka lang. Pagtapat ng dalawa sa akin, sumubsob ka na agad diyan sa paanan mo. Huwag kang magtataas ng ulo at manatili sa ganoong posisyon.’’
“Oo PO3!’’
“Titingnan ko ang galing ng dalawang ito. Ito ang matagal ko nang hinihintay na mangyari. Mula nang maging pulis ako, wala pa akong nai-enkuwentrong riding-in-tandem kaya Buena-mano ang dalawang ito.’’
Pagkasabi niyon ay dinukot ni PO3 ang baril sa may upuan. Hinawakan nang mahigpit. Ang kaliwang kamay lang ang nagmaneho. Alalay lang pagpapatakbo.
Pababa na sila sa Quezon Bridge. Mabagal ang takbo dahil palusong. Nakita ni Lino ang pag-overtake ng riding-in-tandem at tumapat sa kanila. Nakita niya na may hawak na baril ang kaangkas.
“Subsob Parekoy!’’
Sigaw ni PO3. Ginawa iyon ni Lino.
Naramdaman niya na kinabig pakaliwa ni PO3 ang manibela. Saka nakarinig siya ng tatlong sunud-sunod na putok.
Umangil ang gulong ng kotse dahil sa biglang pagpreno ni PO3. Sadsad sa gutter. Nakarinig siya ng nahulog. Kumalabog at nagtalsikan ang parang mga bubog.
“Itaas mo na ang ulo mo, Parekoy, tapos na!’’
Itinaas niya ang ulo mula sa pagkasubsob. Nang tingnan niya ang nangyari, nakabulagta na ang riding-in-tandem. Ang motorsiklo ng mga ito ay nakahambalang ilang metro ang layo mula sa mga katawan ng riding-in-tandem.
Maya-maya pa, nagtrapik na sa lugar. Dumami na ang usyusero.
Hanggang sa dumating na pulis-SOCO. Ilang patrol car ang dumating.
Bumaba kami ni PO3 para tingnan ang dalawang nakabulagta.
“Mga hired killer ang mga ‘yan. Balak akong itumba.’’
“Sino ang nagpapatum-ba sa’yo Parekoy?’’
“Marami sila. Pero sa palagay ko, itong mga nakabulagtang ito ay inupahan ni Cielo.’’
“Si Cielo na naman?’’
“Malakas ang kutob ko, Parekoy. Ako kasi ang na-ging dahilan kaya siya nakakulong. Noon ko pa kasi siya tinatrabaho.’’
“Dapat pala, tinuluyan ko na ang Cielong yun nung mahuli ko. Wala na sanang problema ngayon.’’
“Sana nga ganun ang ginawa mo Parekoy.’’
“Palagay ko, hindi ka na titigilan, PO3 at siguro pati ako rin.’’
(Itutuloy)
- Latest