San Beda umiskor sa BEST Center
MANILA, Philippines - Kumamada si Liam Rasheed Salangsang ng 11 points para banderahan ang San Beda College-Rizal sa 32-27 paggiba sa Notre Dame of Greater Manila sa Best Center-organized SBP-Passerelle twin basketball tournaments noong Linggo sa Xavier School gym.
Ang nasabing panalo ang nagtaas sa SBC-R sa Group A ng Small Basketeers Philippines (SBP) para makasosyo ang La Salle-Greenhills A, pinabagsak ang Lourdes School of Quezon City, 62-22, sa isa pang laro sa Group A na pinanood nina special opening day guests Lester Castillo, ang incoming Milo Sports Marketing Executive, at dating Philippine Basketball Association player at Best Center alumnus Benjie Paras.
Tinalo ng Marist School ang LSGH-B, 41-33, habang giniba ng Ateneo ang College of San Benildo-Rizal, 58-31, sa Group B.
Inilampaso naman ng Nazareth School of National University ang San Sebastian College, 82-43, para makasama ang Adamson, iginupo ang LSGH-B, 59-42, sa Group A ng Passerelle.
- Latest