242 mommy, daddy enforcers tumanggap ng suweldo, grocery
MANILA, Philippines - Umaabot sa 242 mommy at daddy enforcers na itinalagang magbantay at magmando ng trapiko sa mga paaralan ng kanilang mga anak, ang nakatanggap na ng sahod mula sa Manila Traffic and Parking Bureau.
Ayon kay MTPB Director Dennis Alcoreza, ang pagtatalaga sa mga mommy at daddy enforcers ay pagtiyak nila sa seguridad ng kanilang anak.
Binigyan diin naman ni Alcoreza na 8am-12noon at 3pm-6pm lamang ang trabaho ng mga Mommy at Daddy enforcers. Ang mga ito ay tumatanggap ng P6,000 kada buwan. Samantala, hinikayat ni Alcoreza na magtungo sa kanyang tanggapan kung may mga enforcers na hindi pa nakatatanggap ng kanilang sahod.
Paliwanag ni Alcoreza, priyoridad ni Manila Mayor Joseph Estrada na matiyak na naibibigay ang benepisyo ng lahat ng mga empleyado regular man o casual.
- Latest