^

Para Malibang

Hindi Malilimutang Pangaral ni Tatay

EMOTE NG PABEBE - Pang-masa

* Naku ang tatay ko bawal lumabas ng bahay nang hindi pa naglilinis. Kaya minsan yung kuya ko naglaro agad sa labas, pagbalik niya ng bahay isinako siya at itinali sa gilid ng kama namin. Kaya nagbigay aral sa aming magkakapatid na maging masipag sa gawaing bahay, bago maglaro sa labas.  Kaya  walang tamad sa aming magkakapatid.

 – Mariel, Australia, Sydney

* Nung high school ako bilin ni tatay huwag daw ako pabola sa mga lalaki. Huwag ko raw ibigay ang virginity ko.  At unahin ko raw ang pag-aaral ko.  Nang hindi raw ako naloloko ng mapapangasawa ko. Ito rin ang itinuturo ko ngayon sa anak ko.

 – Beth, Cavite

* Papa ko ang nagturo sa akin na magbasa at magsulat. Mahalin ko raw ang libro dahil marami akong matutunan. Kaya kahit hanggang ngayon ay mahilig pa rin akong magbasa ng libro.  Mula elementary hanggang college ay naging consistent honor ako. Dahil si papa ang nagturo sa akin na mahalaga ang pag-aaral na maipamama raw  niya sa akin.

 – Kath, Manila

* Daddy’s girl ako, kaya mahigpit sa akin si tatay. Bilin niya, huwag daw akong magbubuntis hanggang hindi pa ako tapos ng pag-aaral. Para hindi ako mapasubong mag-asawa. Tama naman siya, maganda ang buhay ko ngayon dahil approve sa kanya ang napangasawa ko.

– Tonie, Mindoro

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with