^

Police Metro

Casino financier itinumba

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Idineklarang dead- on-arrival sa ospital ang isang Hong Kong national na isang casino financier nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Ang nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo ay kinilalang si Chong Weng Sum, 60, nakatira sa Binondo, Maynila.

Batay sa ulat, bago naganap ang pamamaril sa biktima dakong alas-9:30 ng gabi sa panulukan ng Mactan St., at Airport Road, Brgy. Baclaran ay nag-aabang ito ng taxi at ilang sandali ay biglang lumapit ang isang lalaki at binaril ito sa ulo.

Agad na tumakas ang suspek habang ang biktima ay dinala ng mga rumespondeng tanod sa ospital, subalit namatay ito sa daan.

Sa salaysay ng nobya ng biktima na noong Linggo pa sila naka-check in sa Bayview Hotel na matatagpuan sa Airport Road dahil naglalaro sila sa City of Dreams.

Sinabi nito na maraming pautang ang biktima sa ilang players sa casino at may kaaway aniya ito sa negosyo na posibleng isa sa mga motibo ng pamamaslang dito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with