Jolo naging birthday gift kay Jodi
Birthday today, June 16, ni Jodi Sta. Maria. She turns exactly 35 years old.
No need to tell you kung sino sa mga Revilla (family of former Senator Bong Revilla) ang nag-greet sa kanya ng happy birthday early morning.
Well, no need to tell you either na nagkabalikan na sina Jodi at Cavite Vice Governor Jolo Revilla.
By this way, our congratulations kay Jodi, since, despite her busy schedule bilang girlfriend kay Jolo, ina sa magte-teenager na si Thirdy, at bilang aktres, tinupad niya ang pangako niyang magpapatuloy siya ng pag-aaral.
Kasalukuyan siyang enrolled sa BS Psychology course sa Southville University in Parañaque City.
By the way, kasama na rin si Christopher de Leon sa cast ng series na sisimulan gawin ni Jodi, ang Sana Dalawa Ang Puso Ko kung saan sina Robin Padilla at Richard Yap ang gaganap na leading men.
Anne at Sam nag-uunahan pakasal
Sino nga kaya, Salve A., sa dating mag-syotang sina Anne Curtis at Sam Milby ang unang ikakasal?
Bagama’t ibinalita na ni Anne na magpapakasal na sila ng kanyang fiancé na si Erwan Heussaff this year, ayaw naman niyang tiyakin kung kelan ito gaganapin. In fact, super busy siya, since, bukod sa kanyang daily noontime variety show, It’s Showtime, busy rin siya completing her movie with martial arts expert, Brandon Vera.
Balita ring may gagawin pa siyang movie with Viva Films.
In the case of Sam, confirmed na sila na nga ng TV host cum ramp and commercial model na si Mari Jasmine.
Unlike Anne, though, hindi pa ni Sam tinitiyak kung kelan sila magpapakasal ni Mari, although, as far as he is concerned daw, Mari is ‘the one’.
Four years din pa lang naging mag-on sina Anne at Sam. Naunang nagkaroon ng boyfriend si Anne, samantalang six years, henceforth, nang muling umibig si Sam.
Equally as busy as Anne si Sam at masaya siya dahil tanggap na tanggap na music lovers ang bago niyang album na Sam: 12.
Produced by Star Music, the album is selling like hotcakes, Sam, was told daw, in record bars. Paborito rin daw ito ng mga YouTube lovers.
Samantala, kasalukuyang sinu-shooting ni Sam ang pelikula na unang team-up nila ni Yassi Pressman, Ang Pambansang Third Wheel na produced by Viva Films.
Nagkasama raw sila, ayon kay Sam, ni Yassi sa Camp Sawi. Pero hindi sila nagkaroon ng eksena na magkasama.
Kilalang singer na kasal sa foreigner pinanindigan ang pag-ayaw sa baby!
Hoy, Salve A., obvious na tinupad ng isang hanggang ngayon ay kilala pang singer, na mag-aasawa man siya, hindi siya mag-aanak.
At hindi raw niya ito inilihin sa napangasawa niya.
Well, she married a foreigner, who obviously agreed sa desisyon niya.
She seems happily married naman daw, according to people close to her. And so is her husband.
She remains, to date, one of the most in demand performance, especially abroad.
Clue?
Huwag na, Salve A., since kilala sa showbiz, lalo’t sa entertainment scene ang kanyang pamilya.
- Latest