Chess tournament, clinic idaraos ni Frayna
MANILA, Philippines - Pipilitin ni Janelle Mae Frayna, ang unang Woman Grand Master (WGM) ng Pilipinas na pataasin ang kanyang world rating pati na ang pag-entra sa World Top 10 sa kanyang pagkampanya sa Europe.
Sinabi ni GM Jayson Gonzales, ang coach ni Frayna na kasalukuyan silang nagsasagawa ng mga simultaneous matches at clinics para makaipon ng pondong gagamitin ng Pinay woodpusher sa kanyang pagsabak sa European chess circuit.
Magsisimula ito nga-yon sa isang 30-player simultaneous games sa Olongapo City Hall.
“The aim of this event is for the chess development and awareness of the youth especially the girls as well as to raise funds for her (Frayna) European campaign,” wika ni Gonzales sa isang statement.
“She is embarking on this journey to reach the Top 10 in the world in the women’s rankings in the next two to four years,” dagdag pa nito.
Ang simultaneous matches ay inorganisa ni Joel Villanueva kasama sina Raymundo Espiritu, David Bayarong, Olongapo Mayor Rolen Paulino, Rep. Jeffrey Khonghun of Zambales, MOCCI chairman Ruben De Guzman, Harben Panoy at Vice- Mayor Aquilino Cortez.
Magdaraos si Frayna, ang two-time UAAP MVP at three-time UAAP champion na nagtapos bilang Cum Laude sa kursong Psychology ng isang chess clinic para sa mga bata. (JVillar)
- Latest