^

Police Metro

100 patay sa Marawi crisis

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa ika-7 araw na krisis sa Marawi City, Lanao del Sur ay umaabot na sa 100 katao ang napapatay sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng security forces at ng Maute –ISIS (Islamic State of Iraq and Syria).

Sa ulat ni Lt. Col. Jo-an Herrera, Spokesman ng Army’s 1st Infantry Division (ID) kabilang sa mga napaslang ay 61 mula sa panig ng Maute-ISIS terror group at ilang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na mga tauhan ni Commander Isnilon Hapilon.

Sa kabuuang 61 napatay na Maute-ISIS group, 42 dito ay narekober ang mga bangkay sa encounter site habang 19 naman ay base sa testimonya ng mga assets at ilang pang mga testigo.

Samantalang 19  naman sa security forces ay napatay sa bakbakan, 15 dito ay mga sundalo at apat naman ang pulis kabilang ang dalawang opisyal.

Naitala rin na lumobo na sa 27 sibilyan ang nasawi sa umaatikabong bakbakan mula sa unang datos na 19 napatay sa insidente ay walo pa ang karagdagang nasawi sa krisis.

 Ang krisis sa lungsod ng Marawi ay nag-umpisa noong  nakalipas na Mayo 23 matapos na suma­lakay dito ang Maute-ISIS group na nagsagawa ng pa­nununog sa mga instalasyon, inokupa ang mga gusali at nang-hostage ng mga inosenteng sibilyan.

Ayon kay Herrera mayroon silang nakitang panibagong mga bangkay ng mga hinihinalang empleyado ng isang rice mill at medical college na pinaslang ng Maute-ISIS group na sumalakay sa lungsod ng Marawi City.

Magugunita una nang natagpuan ang bangkay ng apat na lalaki, tatlong babae at isang bata malapit sa Mindanao State University (MSU) habang walong bangkay ng lalaki naman ang nakita sa Brgy. Matampay na pawang may mga karatulang nakadikit sa bangkay ng mga ito na may nakasulat na ‘munafiq’ na nangangahuluhan na mga traydor sa Muslim  at mga ipokrito.

Inatasan naman ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año ang tropa ng militar na  tapusin ang krisis sa lalong madaling panahon para mapanumbalik na sa normal ang sitwasyon sa lungsod.

Ang pangunahing mis­yon ng tropa ng militar ay masagip ang mga hostages at iba pang mga sibilyan na na-trap sa bakbakan na tinatayang nasa 3,000 residente.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with