^

Para Malibang

Pangalawang Anino (99)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

KAHIT may pagdududa pa rin si Arturo sa pagiging buhay ni Inang Maria, magalang pa rin ito sa matanda.

“Inang Maria, sa­lamat ho sa pagbibigay ninyo ng banal na tubig. Kailangan po namin ang mga ito dahil naniniwala kami na mapanganib pa rin si Yawan. At nandidiyan lang siya, naghihintay ng pagkakataon para makapanakit kina Nanette.”

“Maaasahan ninyo ito. At palagay ko, hindi na lang kayo ang na-nganganib. Kahit ang ibang tao, nanganganib din. Kaya bigyan ninyo sila ng banal na tubig. Siguro naman dahil napakabait na tao ni Nanette, maraming maniniwala sa kanya kapag siya ay namigay ng banal na tubig.”

“Sasabihin ko po ‘yan kay Nanette, Inang Maria.”

“Sige, iho ... dalhin mo na lahat ‘yan. Marami ‘yang ginawa ko.”

“Salamat po, ikakarga ko na ang mga ito sa aking sasakyan.” Buong tiyagang hinakot ni Arturo ang inaakalang banal na tubig na bigay ni Inang Maria.

Palihim namang nakangisi si “Inang Maria”. Buong paghanga na tinitingnan si Arturo. Obsessed pa rin siya sa binatang teacher.

“Sige, Arturo ... simulan mo na ang pagsira sa iyong minamahal!” Sabi sa sarili.

PINAABOT ni Arturo ang sinabi ni Inang Maria. “Nanganganib na rin daw ang ibang tao. Kaya mamigay daw tayo nitong banal na tubig, Nanette. Makakatulong ka raw sa pagkumbinsi sa ibang tao na makakatulong sa kanila ang banal na tubig dahil napakabait mo, Nanette.”

“Sinabi ni Inang Maria ‘yan? Nakakataba naman ng puso. Oo, Arturo ... tutulong ako sa pamimigay ng banal na tubig sa ating mga kanayon.”

“Eh, de sumama ka na sa akin.”

NAPAKARAMING tao ang tumanggap ng banal na tubig na pinamimigay ni Nanette.

“Basta ipahid ninyo sa katawan ninyo ang banal na tubig. Para hindi kayo lalapitan niya Yawan. O iba pang mga kasamahan na kampon ng demonyo.”

“Gagawin namin ‘yan, Nanette. Naniniwala kami sa iyo, noong una kasi, ikaw ang pinagdudahan sa mga pinagsasabi mo. Pero totoo raw pala ang mga sinabi mo noon na may aninong gustong manakit sa iyo.”

Pinahid nga ng mga tao ang banal na tubig sa kanilang katawan.

NANG gumabi, napuno ng sigaw at daing ang buong lugar.

Maraming tao ang sumugod kina Sheila.

“Ilabas ninyo si Nanette! Siya ang namigay ng banal na tubig daw na nang ipinahid ng mga kamag-anak namin ay nagkasugat sila sa kanilang katawan!”

ITUTULOY

 

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with