Money Superstitions sa Buong Mundo
Ikalawang Bahagi
7— Czech Republic: Naglalagay ng kaliskis ng isda sa wallet. Ang kaliskis ay kulay ng silver coins.
8— France: Kung sa iba ay malas ang Friday the 13th, sa France ay ito ang lucky day para tumaya sa lotto. Sa araw na ito lumolobo ang benta ng ticket.
9— France: Itinatago nila sa wallet ang coin na may nakalagay ng kanilang year of birth dahil mang-aakit ito ng suwerte.
10— Greece: Hinuhulugan nila ng coins ang kanilang balon ng tubig upang hindi ito matuyuan. Ang tradisyong ito ang pinagmulan ng paghahagis ng coins sa fountains or wells for good fortune.
11— India: Iwasang magpahiram ng pera o mamigay ng gatas at asukal sa gabi o matapos lumubog ang araw. Magtatampo sa iyo ang goddess of wealth kaya ang resulta ay paghihirap sa pera. (Itutuloy)
- Latest