^

Punto Mo

Nakapaloob sa batas, nanganak nang nanganak!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Tuluyan na nga munang sinuspinde kahapon ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad sa Anti-Distracted Driving Act.

Ito nga ay matapos ang malakas na panawagan sa pansamantalang pagpapatigil dito  dahil sa maraming kalituhan.

Mukhang hindi pa handa ang mga kinauukulan na ipaimplementa ito, dahil ang simpleng ipinagbabawal ng batas na bawal mag-text at gumamit ng cellphone, eh nanganak na nang na­nganak ng ibat-iba pang bawal.

Ayon ngayon sa ilang mambabatas nagiging OA na at nakakalito na ang batas.

Dumami na nang dumami ang bawal dahil nga sa hindi pa malinaw ang implementing rules at regulation ukol dito.

Dapat munang pag-aralang mabuti kung ano ba ang sakop ng batas na ito, kung ano ba talaga ang nakasaad at direktang binabanggit sa naaprubahang batas, hindi yung basta magdaragdag ngayong ipapatupad.

Bagamat maganda ang layunin ng mga ahensyang sangkot sa pagpapaimplemeta nito, na ito nga ay kung hindi man maiwasan minsan eh mabawasan man lang ang aksidenteng nagaganap sa mga lansangan, dahil nga sa ilang bagay na nakakapagpaalis sa pokus ng isang nagmamaneho.

Gayunman,   hindi naman kasi maaari na kung ano na lang ang pumasok sa kanilang isipan ay pwede na agad na isabit sa ADD law at agad na ipatupad , aba’y talagang marami ang papalag dito.

Dapat malinawan muna marahil ng publiko, ang ano ba talaga ang ipinagbabawal o mga ipinagbabawal na nakapaloob sa batas na ito.

Makakatulong din na bago tuluyang ipatupad ay magkaroon ng malawak na pagbibigay impormasyon sa publiko ukol dito at maging sa mga enforcers na magpapatupad nito.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with