^

Para Malibang

Pangalawang Anino (91)

Gilda Olividado - Pang-masa

ANG pagsama sa kanila ng hepe sa ospital para mag-imbestiga ay itinuturing na ring tagum­pay nina Nanette.

Pinuntahan ang mis­mong lugar sa ospital kung saan nawala ang bangkay. Ipina-produce pa ng hepe ang mismong gurney kung saan nawala ang bangkay ni Inang Maria.

Nasa harapan na ng hepe ang lahat pati mga taong nakakita sa pagkawala ng bangkay.

“So ... ito ang hinigaan ng bangkay, iyan ang unan, kumot, bed cover ... at diyan nawala ang bangkay?”

Sumagot ang doktor. “Oo, hepe. Kitang-kita namin. Hindi ‘yung naaag­nas, ha? Kundi ‘yon bang para unti-unti na lang na naglaho.”

“Hindi naman kaya napunta sa ibang lugar? Baka nga na-magic. Parang inilipat lang sa ibang lugar, hindi nawala.”

Nagkatinginan ang mga tauhan ng ospital.

“Well, hepe ... sa totoo lang, hindi pa naman namin hinanap sa ibang lugar dito sa ospital.” Sagot uli ng doktor.

“Kailangan kong makausap ang administrator dito. Dahil io-order ko sa aking mga pulis na hahanapin ang bangkay na nawala. Sa lahat ng sulok ng ospital na ito. Kailangan ko ang permiso ng administrator.”

“Sasamahan ko po kayo sa kanyang opisina, hepe. At nang makausap ninyo ang administrator.”

“Sige, dok. O, kayo Arturo, Nanette, Sheila ... dito lang kayo. Huwag muna kayong umuwi hanggang hindi matapos ito.”

“Opo, Hepe. Maghihintay lang po kami dito.”

Nakahinga naman nang maluwag ang tatlo habang naghihintay sa lobby ng ospital.

“Tama palang nilapitan natin ang pulisya. Ngayon ay katulong na sila sa pag-alam ng katotohanan.”

“Oo nga, Arturo. At naisip ko, sana nga napalipat lamang sa ibang lugar ang bangkay. Makikita kapag naghahanap na ang mga pulis. Para maniwala sa atin sina Hepe sa salaysay mo, Arturo na pinatay ni Yawan si Inang Maria. Para kahit anak siya ng demonyo, makukulong pa rin siya.”

“Magtiwala tayo, Nanette na tama itong mga ginagawa nating hakbang.” Buong pagmamahal na niyakap ni Arturo si Nanette.

Hinayaan na lang sila ni Sheila. Tanggap nang ang kanyang anak ay may kasintahan na. Pero naliligalig pa rin siya sa mga kababalaghan. -   ITUTULOY

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with