Alanganin si Leonard sa Game 4
SAN ANTONIO -- Inaasahang muling maglalaro ang San Antonio Spurs, nasa panganib na masibak, nang wala si star forward Kawhi Leonard sa Game Four ng kanilang Western Conference finals series ng Golden State Warriors.
Sinabi ni Spurs coach Gregg Popovich sa mga reporters noong Linggo na ang MVP candidate ay “likely out” para sa ikatlong sunod na laro sa serye kung saan tangan ng Warriors ang 3-0 bentahe.
Muling nagkaroon si Leonard ng left ankle injury sa series opener at sinabi din ni Popovich na malamang na maupo sa bench si forward David Lee na nagkaroon ng knee injury sa Game Three.
Lumubha ang ankle injury ni Leo-nard nang maapakan niya ang paa ni Warriors center Zaza Pachulia’ matapos ang isang jump shot sa third quarter ng Game One noong nakaraang Linggo.
Kinuha ng Spurs ang 23-point lead nang mawala si Leonard sa laro sa third quarter.
Matapos ito ay kumamada ang Golden State para agawin ang panalo.
Kinuha din ng Warriors ang Game Two, 136-100 at Game Three, 120-108.
Nauna nang nalasap ni Leonard ang kanyang ankle injury sa Game Five ng Western Conference semifinals series laban sa Houston Rockets.
Nagtala si Leonard ng mga averages na 27.7 points, 7.8 rebounds at 4.6 assists sa postseason.
Si Jonathon Simmons ang sumalo sa trabaho ni Leonard at umiskor ng 22 points sa loob ng 26 minuto sa Game Two at may 14 points sa Game Three.
Sumailalim naman si Lee sa isang MRI exam at napag-alaman na may partially torn patellar tendon.
Ang nasabing knee injury ay ma-ngangailangan ng surgery.
- Latest