^

PSN Opinyon

‘DAP saga probing continues…’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ANG bawat umpisa ay may hangganan. Pana-panahon lang ang kasaganaan pero iisa ang kahahantungan ng bawat sitwasyon, lahat may katapusan.

Nalalapit na ang katapusan ng mga nasa likod ng Disbursement Acceleration Program (DAP). Matagal-tagal na rin subalit mainit pa ang saga ng pagkalkal ng mga sangkot sa DAP. ‘Yung mga pulitikong matatakaw sa pera na nakinabang dito ay nangangatog na ang bombolyas dahil anumang oras lalabas na ang kanilang mabahong pangalan­.

Sa scheme kasi ng DAP, pinagplanuhan ito nang maigi, pinag-isipan ng matindi at pinagsunugan ng kilay. Kaya ayun ang may likha at ang kanyang amo, nakalbo sa pagpaplano at pagsusunog ng kilay maikamada lamang ang kanilang modus na nakawin ang pera ng taumbayan.

Eto ang trivia: Alam n’yo ba na ang DAP “daw” ay ginawa ring gantimpala o regalo sa mga senador at kongresista para mapatalsik si yumaong Justice Renato Corona?

Talagang nagalit daw si P-Noy sa ginawa ni Corona sa insidente ng Hacienda Luisita at sa kagustuhan nitong gumanti, gumawa sila ng sistema para mapatalsik ang pobre. Su­balit ang bawat suporta ay may katumbas na presyo dahil wala na nga namang libre ngayon. Kita mo nga naman ang mga patay-gutom, nabuhay sa motto na if the price is right.

Kung mababasa ni DOJ Sec. Vitaliano Aguirre itong kolum ko, I suggest that you go for specific details. Makikita `yan sa listahan ng Commission on Audit (COA) kung sinu-sinong personalidad ang tumanggap. Ilantad na lahat ang pangalan ng mga nasuhulan at nakinabang kesehodang malipat na sa Camp Crame ang sesyon ng Senado at Kongreso dahil sa malamang bilang na lang sa daliri ang matitira.

Bumabagal ang sistema ng imbestigasyon dahil eto namang ating Ombudsman na si Conchita Morales at talagang lagas na ang aking tiwala ay walang ginawa kundi laging isalba si P-Noy na nagluklok sa kanya sa puwesto. Sabi niya, kung meron man daw dapat na maipit sa iligalidad na ito ay hanggang kay Florencio Abad lamang at hindi na tataas pa. Ombudsman, nagpapatawa ka ba o may selective amnesia na?

Nasaan na `yung nginawngaw ni Sen. Leila de Lima noon na marami pang ebidensiya na lalabas at may mga pangalan pang sangkot? Na inuna lamang niya ang malalaking isda noon na sina Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla? Ano ito filibustering?  Malamang nabulungan na noon pa man si pork barrel queen Janet Napoles na maging dahilan para bumagal ang takbo ng imbestigasyon.

Eto lang ang masasabi ko, ang mga nakaraang kamalian kapag hindi  kinilala ng kasalukuyang administrasyon at hindi natuto sa mga pagkakamaling ito, may gagawa uli ng ganitong problema. Kaya, kuwidaw!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with