Ibong Nagdadala ng Kamalasan sa UK?!
Maraming paniniwala sa iba’t ibang parte ng mundo. May mga pamahiin ding kakatwa sa ibang bansa tulad ng mga pamahiin natin dito sa Pilipinas.
Sa United Kingdom, may paniniwala silang kapag nakakita ka ng nag-iisang magpie (ibon mula sa pamilya ng mga uwak) ay mamalasin ka sa araw na iyon. Kaya bilang pangontra nila rito ay kailangang batiin ang ibon ng: “Good morning Mr. Magpie” at “How is your lady wife today?”
Marami pa rin ang naniniwala na ang magpie ay isang omen ng bad fortune at ang pagbati o pagsaludo rito ay isang respeto para hindi makuha ang kamalasang dala nito. Ang magpies ay kadalasang may kasamang mate kaya naman pinaniniwalaang malungkot ito kapag mag-isa. Pero kung may kasama ay sumisimbolo ito ng saya. Kaya naman kapag nakakita ng nag-iisang magpie ay binabati ito at kinukumusta kung may asawa ba para masabing may partner ito at masaya ang ibon.
- Latest