Presyo ng gamot para sa anti-cancer, diabetes at hepatitis breast cancer, kokontrolin
MANILA, Philippines - Upang makontrol ang mataas na presyo ng mga gamot para sa breast cancer, Hepa B at diabetes ay nais ni Senator Juan Miguel Zubiri na maamiyendahan na ang Quality and Affordable Medicines Act.
Ayon kay Zubiri, halos walong taon na ang nakakaraan simula ng maipasa ang batas ay hindi naman ito masyadong naging epektibo para bumaba ang presyo ng medisina.
Bagaman at naging mura ang gamot dahil sa pagpasok ng generics, pero nanatili namang mataas ang anti-cancer, anti-diabetes, at anti-hepatitis.
Inihalimbawa ni Zubiri ang isang klaseng gamot na ibinibenta ng isang kompanya na nagkakahalaga sa Pilipinas ng P50 pero sa India ay P5 lamang.
“They just admitted that one product of Pfizer in the philippines, for example one medicine is P50 pesos doon sa India ay P5 ang equivalent, na binebenta rin po ng Pfizer. Bakit naman ganoon? kawawa ang ating mga kababayan,” sabi ni Zubiri matapos ang pagdinig ng Congressional Oversight Committee on Quality Affordable Medicine (QAMOC).
Isa aniya sa naging rekomdasyon ng komite ang amiyendahan ang Republic Act 9502 upang matiyak na magkakaroon ng “honest to goodness pricing scheme” sa presyo ng gamot.
- Latest