^

PM Sports

Gilas sasalang na

Pang-masa
Gilas sasalang na

Gilas Pilipinas sa kanilang huling ensayo para sa SEABA Championships. (PM photo ni Joey Mendoza)
 

MANILA, Philippines -  Sisiguraduhin ng Gilas Pilipinas na hindi makakawala sa kanilang mga kamay ang korona ng 2017 SEABA Men’s Championships sa pagpaparada ng isang ma-lakas na koponan.

“The importance of winning the SEABA championship prompted us to field the best, strongest team possible,” sabi ni national head coach Chot Reyes. “That’s the guiding principle in putting this team together.”

Upang makapaglaro ang Nationals sa FIBA Asia qualifying tournament para sa 2019 World Cup sa China ay kaila-ngan muna nilang pagha-rian ang SEABA meet.

At ang unang sasagupain ng Gilas Pilipinas ay ang Myanmar ngayong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ipaparada ng Nationals sina naturalized player Andray Blatche, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Raymond Almazan, Troy Rosario, Calvin Abueva, Allein Maliksi, Matthew Wright, Jayson Castro, Terrence Romeo, RR Pogoy at Jio Jalalon.

Ang 6-foot-11 na si Blatche ay dumating sa bansa noong Linggo at kaagad sumabak sa ensayo ng Gilas Pilipinas.

Hangad ni Reyes na maihatid ang Nationals sa Olympic Games sa Tok-yo, Japan sa taong 2020.

“As we focus all our energies in the tournament at hand, we want to make sure the big picture is on our minds. All our players are committed to the goal to get to the Olympics in 2020,” wika ni Reyes.

Huling nakapaglaro ang bansa sa Olympics noong 1972 sa Munich sa pangunguna nina Bogs Adornado, Jimmy Mariano at Manny Pa-ner na tumapos sa ika-13 puwesto sa kabuuang 16 koponan.

“We have to be the best Asian team in the World Championship in 2019. If we achieve that, we’ll play in the Olympics in 2020,” dagdag pa ng mentor.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with