‘Agawang bola!’(Jai alai vs SPL)
PAANO PWEDENG maging iligal ang isang usapin na kinatigan ng korte?
Si Senator Juan Ponce Enrile ay itinatag ang Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).
Ito ay isang pag-aari at kontrolado ng gobyerno na korporasyon na nilikha sa pamamagitan ng Republic Act 7922 o mas kilala bilang Cagayan Special Economic Zone Act of 1995.
Inaprubahan ito ni dating Presidente Fidel V. Ramos. Nakatalaga ito upang pamahalaan at pangasiwaan ang paglago ng Cagayan Special Economic Zone and Freeport (CSEZFP).
Mula taong 1997 hanggang sa kasalukuyan, ang CEZA ay nagsimula ng ilang mga proyekto para sa pagpapaunlad ng CSEZFP.
Bilang economic zone, pakay nitong palaguin ang buong lugar para maging isang self-sustaining industrial, commercial investment, financial at tourism-recreational center...
Sa ilalim ng recreational center may casino subalit pwedeng maglaro ang mga Pilipino na substitute o representative ng mga foreigners sa buong mundo at ito’y nakatulong ng malaki para sa bayan ng Cagayan.
Kasama rin dito ang larong JAI ALAI kasama ang PELOTARI na isang Professional Pelota Player na naglalaro ng JAI ALAI gamit ang isang CESTA o isang wicker basket na ginagamit sa larong JAI ALAI para saluhin ang inihahagis na bola.
Ang bola nito ay mas matigas pa golf ball subalit maliit ng konti sa baseball. Ipinupukol ito sa isang pader at kapag hindi nasalo ng kalaban puntos ito para sa nagpukol.
Tulad ng lotto o karera ng kabayo ito’y ipinalalabas sa buong bansa sa pamamagitan ng cable TV.
Ang Meridien na ang ginagawa ay magpatakbo ng sports facilities, performing arts, spectator sports at ilang pang industriyang tulad o may kaugnayan dito.
Maraming nagkwestiyon at sinubukang patigilin ang Meridien sa kanilang ginagawa.
Bakit kaya? Marahil ay naapektuhan ang kanilang negosyo sa Small Town Lottery (SPL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kaya kahit legal umano ang isinabatas ni Sen. Juan Ponce Enrile pinaiikutan nila ito, hinuhuli ang mga naglalaro at sinasabing jueteng ito.
Juetaminut! Upang legal na mapatigil ang umano’y pang-aabala ng mga iba’t-ibang tao na may iba-ibang layunin nakakuha ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Meridien mula sa Regional Trial Court (RTC) ng Aparri, Cagayan.
Para matigil ang lahat nung 2011 ay nagdesisyon at nagbaba ng TRO ang Aparri, Cagayan RTC Branch 7 Judge pabor sa Meridien Vista Gaming Corporation na ang mga palaro ng kompanyang ito ay ipinatitigil ng iba’t-ibang tao.
Kahit meron silang TRO idinulog pa nila sa mas mataas na korte (Appellate Court) ang 6th division ng Court of Appeals (CA) na binubuo nina Justice Jose L. Sabio Jr., Justice Jose C. Reyes Jr., at Justice Myrna Dimaranan-Vidal.
Nag-issue ng restraining order ang 6th division ng CA upang pigilan ang Department of Justice (DOJ) at ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagpapatupad ng joint memorandum order na nag-uutos sa law enforcement bodies para sa crackdown ng larong JAI ALAI at ilang betting stations.
Sa resolusyon ng 6th division ng CA ang joint DOJ-DILG memo ay nagreresulta ng imminent at irreparable injury at grave injustice sa Meridien.
Ang Meridien ang katangi-tanging private entity na may license to operate sa pagtaya sa JAI ALAI at ilang gaming stations sa loob ng Freeport zone.
Meron ng TRO sa RTC, meron ng injunction mula sa 6th division ng CA patuloy pa ring pinaghuhuli ng Philippine National Police (PNP) at sinasabing jueteng daw ang pinalalaro ng Meridien.
Ang hindi ko maintindihan bakit ang primary investigation agency ng ating bayan gaya ng National Bureau of Investigation (NBI) ay nakikisawsaw?
Meron bang hinihintay? Dapat malalaking krimen ang kanilang imbestigahan kaya nga investigation sila.
Bakit biglang naging enforcement? Bakit biglang sila mismo ang nanghuhuli? Ang mga abogado at CPA ay naging PO1 at PO2 na ba?
Dinaan sa ligal ng Meridien ang mga nangyayaring ito. Sinampahan sa Ombudsman ang Regional Director, ang mga Chief of Police at iba pang opisyal na gumagawa nito dahil ang mga public officials at ang mga pulis na may mga ranggong Superintendent pataas ay dun dinadala ang kaso.
Ito’y isang legal na remedyo na maaaring kapitan ng kahit sinumang tao, asosasyon o korporasyon kung sa palagay nila merong grave abuse of authority ang mga public officials at mga law enforcers.
Hanggang ngayon epektibo pa rin ang injunction ng 6th division ng CA kaya’t patuloy ang pagpapatakbo ng laro ng Meridien.
Taong 2011 pa lamang may mga pwesto na ang Meridien na nakatalaga sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Hindi pa nagbababa ng desisyon ang 6th division ng CA may mga umano’y Cabinet Members (na inamin naman) na ang kanilang mga kamag anak ang nakakuha ng prangkisa ng Small Town Lottery ng PCSO.
Bakit kailangang brasuhin gayung pwede namang pagsaluhana ng isang malaking lugar? Kung titingnan mo chapa, baril at bala meron ang isa. Ang kabila naman ay legal na dokumento lamang na isinasampa sa Ombudsman.
Madaling gumawa ng kwento na ang isang kampo ay jueteng na ang pinatatakbo pero kailangan mapatunayan mo ito.
ABANGAN sa LUNES ang karugtong ng seryeng ito at sino ang mga pangalan na nagsilitawan na ang iba rito ay malapit sa ating Presidente na alam naman namin na dahil siya ay dating Prosecutor kung ano ang tinatawag na due process na dapat pagdaanan ng lahat ng kaso EKSKLUSIBO dito sa CALVENTO FILES dito lang sa PSNGAYON.
PARA SA ANUMANG REAKSYON maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso maaari kayong tumawag sa numerong 710-3618.
Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.
Hotline: 09198972854
Tel. No.: 7103618
- Latest