^

PSN Opinyon

‘Taumbayan ang nasaktan hindi si Gina Lopez…’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

TINANGGIHAN ng Commission on Appoints (CA) na ma­ging Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary si Gina Lopez. Marami ang nalungkot at nasaktan sa hindi pagpasa ni Lopez sa posisyon at marami ang nakisimpatiya sa ginang.

Sino nga ba ang nasaktan nang husto, si Gina Lopez ba? Hindi, kundi ang taumbayan. Ang kapakanan ng sambayang Pilipino at ng kalikasan ang ngayo’y magsasakripisyo. In my analysis, Gina Lopez is a victim of greed, technicalities and lega­lities favouring vested interest and unscrupulous mining firms.

Uulitin ko, biktima lamang ang ginang ng mga nasa industriya ng pagmimina; ng mga bastardong walang alam kundi manggiba at ang tanging pinaglalaban ay ang kanilang kalokohan at kasakiman. Eto kasing mga ijo de kabron na mga lumalabag sa pamantayan ng pagmimina, protektado ng mga putok sa buhong nakaupo sa C.A na iba ang paninindigan depende sa kulay ng salapi.

Inuuri ko ang nangyari kay Lopez, sa totoo lang noong umpisa ay hindi ako naniniwala sa kanya. Pero, noong makita ko ang resulta ng kaniyang mga gawa, prinsipyo at ideolohiya, napabilib ako. Sabi ko sa aking sarili, para pa lang Tulfo si Lopez kung mag-isip, umasta at kumilos. May paninindigan at tunay na prinsipyo – unfiltered!

Malas na lang ni Lopez ‘yung resulta ng kanyang magandang ginagawa ay nagdulot ng masamang panlasa sa dila ng mga bastardong nagmimina at buwayang nasa CA. Kung gumamit lang ng estratehiya si Lopez kung saan sa umpisa ay nagpakaipokrita siya, nakipag-chokaran at nagbait-baitan at kapat nakaupo na ay saka pinaghahambalos ang mga hinayupak, malamang ay nakumpirma ang kanyang pagiging DENR secretary.

Subalit ‘yan si Lopez may tapang at prinsipyo, hindi naki­sama sa mga pendejo’t kabron. Parang kaming magkaka­patid na Tulfo, walang sinasanto at sinisino; ang mali ay mali at may katapat na kastigo.

Ganunpaman, marami ang kumukutya sa ginang na hindi ito karapat-dapat sa posisyon. Aber sino nga ba ang dapat?

There is no use crying over spilled milk. Hikayatin na lang kaya ang Presidente na maging acting DENR Secretary at gawing advisor si Gina Lopez? Siguradong kakalug-kalog na naman ang bombolyas ng mga buwaya’t hinayupak!

GINA LOPEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with